Home NATIONWIDE Boying sa NBI: Mga abusado at tiwaling agents, sibakin!

Boying sa NBI: Mga abusado at tiwaling agents, sibakin!

MANILA, Philippines – Iniutos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na unahin na asikasuhin ang pagtangal sa mga tiwali na kasapi ng nasabing ahensya na itinuturing ma pangunahing law enforcement office.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, pangunahing kautusan ng kalihim sa bagong itinalaga na NBI Director na tiyakin na tanging ang mga maaasahan at may kakayanan na tauhan ang nakatalaga sa mga tamang departamento.

Dapat aniya na ilantad ni Santiago ang mga tiwali at abusado na NBI agents.

Nagpulong na sina Remulla at Santiago uoang talakayin ang mga istratehiya para ayusin ang investigative processes.

“The discussion focused on leveraging advanced technologies, fostering inter-agency cooperation, and effectively implementing policies to address emerging threats and other bureau concerns.”

Samantala, inihayag ni Clavano na maayos na nagrerecover si Remulla mula sa kanyang heart surgery. Lalo aniyang lumalakas ang kalihim at maaring makapagtrabaho na sa kanyang opisina sa mga susunod na buwan. Teresa Tavares