Home HOME BANNER STORY Brawner: Walang ‘loyalty check’ sa AFP command conference kasama si PBBM

Brawner: Walang ‘loyalty check’ sa AFP command conference kasama si PBBM

MANILA, Philippines- Walang naganap na “loyalty check” sa command conference at tinutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes ang military strategy at ang Armed Forces of the Philippines, ayon kay Gen. Romeo Brawner Jr. , AFP chief of staff.

Sinabi na ng AFP na hindi na kinakailangan ng loyalty check at iginiit na mananatiling tapat ang militar sa Konstitusyon at sa chain of command, kung saan si Marcos Jr. ang commander-in-chief.

“Nothing political. Very professional ang command conference natin,” pahayag ni Brawner sa ambush interview matapos ang 89th anniversary program nag AFP.

Sinabi ni Brawner na sumentro ang pagtalakay sa command conference sa accomplishments ng militar “all throughout the years,” kabilang ang naiulat na pagbaba ng bilang ng New People’s Army guerrillas sa 1,000 mula sa halos 25,000 fighters noong late 1980s.

Nauna nang inihayag ng AFP na tinututukan nito ang pagbuwag sa natitirang weakened guerrilla front sa bansa bago matapos ang taon.

Iprinisinta rin ng militar kay Marcos Jr. ang bagong campaign plan na tinatawag na “Tatag Kapuluan”, na naglalatag ng lahat ng kinakailangang operasyon “to protect the people and secure the State.”

“Kasama na ang West Philippine Sea doon. Kasama ang internal security operations pa rin. Kailangan tuluy-tuloy ang operations so we will ensure that we sustain the gains in our campaign,” wika ni Brawner.

Inihayag din ni Brawner ang kumpiyansa sa desisyon ni Marcos Jr. na rebyuhin ang 2025 national budget.

Inanunsyo ni Marcos Jr. noong Huwebes ang pagpapaliban ng paglagda sa P6.352-trillion national budget para sa 2025 dahil sa “many changes” sa funding requests ng ilang departamento. RNT/SA