Home METRO Breakwater sa Batanes giba sa malalakas na alon ng bagyong Betty

Breakwater sa Batanes giba sa malalakas na alon ng bagyong Betty

MANILA, Philippines – Winasak ng bagyong Betty ang breakwater sa Barangay Itbud, Uyugan, Batanes.

“‘Yan ay storm surge siguro three to four meters po ang lakas no’n. Kung mayroong magbibigay sa ating pondo kung matutulungan tayo ng ating congressman o si governor na marepair po yung seawall na yun,” pagbabahagi ni Uyugan Mayor Jonathan Nanud.

Maliban dito, napinsala rin ang seawall sa Diura fishing village sa bayan ng Mahatao.

“Hindi po kami hardly hit. Gilid-gilid lang ang tumama po sa amin dito. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at di po naging supertyphoon at typhoon lang po,” pahayag naman ni Batanes Governor Marilou Cayco.

Hanggang nitong Miyerkules, Mayo 31 ay nananatiling malakas ang mga alon na naitatala sa Batanes kung kaya’t nagpatuloy sa pagpapatrolya ang Coast Guard Batanes Station personnel sa paligid ng dalampasigan.

Binalaan ng mga ito ang ilang residente na nagsusubok na maghanap ng cellphone signal sa lugar.

Samantala, sinabi ng Coast Guard na wala namang naitalang napinsalang mga bangka na ginagamit sa pagbiyahe ng mga turista pa-Itbayat.

“Four days to five days sir. Oobserbahan muna namin sir. Bago kami maglabas ng abiso sir na lifted na po yung no sail policy,” ani Coast Guard Deputy Commander James Guerrero.

Ngayong araw, Hunyo 1 ay inaasahan nang muling magbabalik ang mga flight pa-Manila mula sa Basco Airport. RNT/JGC

Previous articleFull implementation ng Maharlika Fund, inaasahan sa dalawang taon pagkapasa – Villar
Next articleNAHAHARAP SA ISANG “WATER CRISIS” ANG BANSA