MANILA, Philippines – Nakikita ni Senador Mark Villar ang full implementation ng panukalang Maharlika Investment Fund, dalawang taon matapos itong maisabatas.
Ang prediksyon ni Villar, principal author ng MIF bill sa Senado, ay matapos na pumayag ang Kamara sa bersyon ng Senado ng panukala nitong Miyerkules, Mayo 31.
“It won’t reach two years. The Executive branch will very swiftly organize the Maharlika,” sinabi ng senador.
“The national government is ready to implement the Maharlika bill,” dagdag niya.
Iginiit ni Villar na ang pagsusulong sa MIF ay makatutulong sa bansa na magkaroon ng karagdagang resources na kinakailangan matapos ang matinding paggastos ng pamahalaan sa pandemya dulot ng COVID.
“This is not a political move. This is for our economy. Having an investment fund is not a new concept. We need this for additional income and attract capital for our industries such as energy, agriculture, as well as for infrastructure projects,” aniya.
Para naman kay Senate President Juan Miguel Zubiri, layon ng Senate bill na mas paigtingin ang safeguards laban sa hindi maayos na paggamit ng pondo.
“The Maharlika fund is not only for this administration. It is for the next 10 administrations, so we want to make sure that there are safeguards in place against possible abuse,” ani Zubiri.
Multang aabot sa P10 milyon hanggang P15 milyon ang kahaharapin ng sinumang lalabag sa probisyon ng batas. RNT/JGC