Home NATIONWIDE Street foods, pinale-level up ni Binay sa LGUs para sa turismo

Street foods, pinale-level up ni Binay sa LGUs para sa turismo

MANILA, Philippines- Malaki ang posibilidad na umangat ang sektor ng turismo sa bansa kung magtutulong-tulong ang lahat ng local government units (LGUs) sa pagpapaangat ng street foods bilang pangunahing marketing tool sa pagpapasigla ng naturang industriya.

Ganito ang paniniwala ni Senador Nancy Binay, chairman ng Senate committee on tourism matapos himukin ang local executives na tumulong na paangatin ang kalidad ng street foods experience para sa local at dayuhang turista.

“Actually, untapped tourism potential ang street food culture. Dapat sinusuportahan natin yung mga maliliit na mga manininda kasi mahalagang bahagi din sila ng lokal na ekonomiya. The LGUs can help identify vending and no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko–lalo na ngayong buhay-na-buhay ang street food adventure,” ayon sa senador.

Iminungkahi ni Binay na gawing mahalagang aspeto ng destinasyon ng turista ang karanasan sa pagkain bilang pangunahing impresyon, magdudulot ng makabuluhang papel sa pag-impluwensya sa desisyon ng turista na bumisita sa lugar.

Magsisilbi rin umanong makapangyarihang sandata ang food tourism sa paghubog ng imahe ng isang lungsod o lokalidad.

“Dahil na rin sa mga food vlogs sa social media, mas nakikilala na ang ating local food culture, lalo na yung mga fusion street foods na talagang dinadayo ng mga foodies at turista. Pinoy street food is not just a culinary experience but also an important part of the Filipinos’ cultural and tourism landscape na maipagmamalaki natin. Kaya mahalagang naririyan din at nakaalalay ang LGUs,” giit niya.

Sinabi ni Binay na napipilitan ang street food hawkers at vendors na okupahan ang sidewlks, pavements at public spaces dahil nakalimot ang LGUs na bigyan silang ng isang disente, malinis at ligtas na lugar na pagtitindahan.

Idinagdag ng senador na palaging nakaabang sa food hawkers ang banta ng pagpapalayas, demolisyon at harassment dahil itinuturing silang illegal vendors na walang angkop na sanitation certifications, at business permits.

Ayon kay Binay, makatutulong ang LGUs na palakasin ang turismo sa pamamagitan ng pagtulong sa food hawkers sa pagsasnaay, sanitasyon at gawaing pangkaligtasan, preparasyon ng pagkain, handling at pagsisilbi upang umangat ang kalidad ng street food experience.

“Di ba, sa Taipei, Bangkok, Singapore, Da Lat (Vietnam), KL’s Bukit Bintang and Jalan Alor, Seoul, Hongkong at ibang Asian countries, talagang dinadayo ang mga yan dahil sa street food nila? Kailangan lang natin ayusin at i-level up ang mga ganitong food markets, at tulungan din natin silang i-promote as a culinary destination. Marami tayong local flavors worth showcasing to the world,” aniya.

Iginiit pa ni Binay na: “Research indicates that positive street food experiences significantly influence tourists’ perceptions of a destination, resulting in increased satisfaction, positive word-of-mouth recommendations, and a greater likelihood of returning to the destination.”

“Sa totoo lang, we can draw valuable lessons from best practices observed in Iloilo, Bacolod, Pasig, or Makati, where strict adherence to food sanitation protocols ensures hygiene, food quality standards, and consumer safety blending it with tourism. Madalas kasi, ang tingin natin sa hawkers ay urban blight, eyesore, public nuisance, at cause of traffic–but they actually play a significant role as a culinary attraction ” ayon kay Binay.

Idinagdag pa ng senador na kapag nabigyan ng kinakailangang suporta ang food hawkers, makatitiyak ang LGUs na mananaliti ang street food bilang lumalakas at maasahang cultural heritage ng lungsod, na mabebenipisyuhan ang turismo at lokal na komunidad.

“So, maraming mga katulad ni Diwata (Deo Balbuena) ang dapat bigyang tuon ng lokal na pamahalaan. Kung meron mang pagkukulang o deficiences sa kanilang mga permit, I suggest LGUs should assist them in resolving these issues, and find a win-win solution by engaging them in maintaining the cleanliness of their respective kitchen and dining areas,” aniya.

“Malay natin, isang araw we can organize one big culinary event where LGUs from all over the country can showcase their best Filipino beef stews and local menus in one street food festival and call it, ‘Jollyjeep Jamboree’, ‘Usok-Tusok’, or ‘Pares Olympics!’ The possibilities are grand,” paliwanag ni Binay.  Ernie Reyes