Home HOME BANNER STORY MBTA-NBT Open Tenpin Bowling Championships, sumipa na

MBTA-NBT Open Tenpin Bowling Championships, sumipa na

BOWLING CHAMPIONSHIPS – Humarap sa media ang mga opisyal ng MBTA sa pangunguna nina President Benny Antiporda (may hawak ng bowling ball), Vice President William Kang, Treasurer Johnny Lugay Secretary, Secretary Thoby Antiporda at Auditor Tony Koa sa pormal na pagbubukas ng MTBA-NBT Open Tenpin Bowling Championships sa E-Lanes Bowling Center San Juan, Metro Manila. Rey Nillama at Genie Villota

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan ang prestihiyosong MBTA-NBT Open Tenpin Bowling Championships sa E-Lanes Bowling Center, Ortigas Avenue, San Juan, Metro Manila na nilahukan ng iba’t ibang bowling clubs sa bansa.

Pinangunahan ang pagbubukas ng kumpetisyon nina MTBA President Benny Antiporda, Vice President William Kang, Treasurer Johnny Lugay, Secretary Thoby Antiporda, Auditor PP Tony Koa, directors PP Jackson Co at IPP Tony Ng, Finance Officers Raymond Kang at Michael Sia, Techical officer Scott Tan at PRO Mark Li.

Pinakinang din ang kaganapan nina PBC President Jerry Mallillin, NBT Executive Director and PBC Secretary General Bien Dollente, SLETBA President Liza Zapanta, PSB President Steve Robles, Valiant Bowling Club President Tony Koa, Dagupan Ten Pin Bowling Inc.- former NBT Executive Director PP Marvin Santos at members at officials ng Lion’s Bowling Club.

Kasama ring lumahok sa pagsisimula ng makasaysayang event sina tournament director Jackson Co, Tournament Coordinator PP Ian Anchenta ng Davao Bowlers at Tournament Secretary Francis De Leon na isa rin sa director ng NBT.

Ayon kay Antiporda, gaganapin ang event simula April 27 hanggang May 5, 2024 kung saan magsasagupa ang mga matitikas na keglers mula sa iba’t ibang organisasyon o’ bowling organizations sa bansa.

“Isa ang MBTA sa pinakamatandang bowling association sa bansa sa edad na 55 years kung saan nagsimula ito noong 1969 kaya aalagaan at pasisiglahin namin ito,” ani MBTA President Antiporda.

Sinabi rin niya na lalo nilang palalakasin ang bowling event upang luminang na mahuhusay na bowlers sa bansa ng pwedeng itapat sa mga international competitions.

“Gagawin namin ang lahat upang makilala ang sports na bowling sa bansa at maimpluwensiyahan ang kabataan o grassroots na maging masigasig sa paglalaro ng bowling,” dagdag pa ni Antiporda.

Pinalakas din ang event ng pahayagang Remate na isa sa nangungunang tabloid sa bansa ngayon.RICO NAVARRO