Home METRO 7 wanted nalambat sa loob ng 1 araw

7 wanted nalambat sa loob ng 1 araw

MANILA, Philippines- Pitong wanted na indibidwal na sangkot sa iba’t ibang kaso ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police nitong nakaraang Biyernes, Abril 26.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. ang mga nadakip na suspek sa mga alyas lamang na Leo, 45; Mirafe, 54; Esteban, 22; Joe, 31; Romnick, 35; Jason, 18; at Jenifer, 32.

Sinabi ni Mayames na unang nadakip si alyas Leo bandang alas-11:45 ng umaga sa F.B. Harrison St. Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong illegal possession of prohibited drugs na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Edilwasif Tapsiril Baddiri ng Branch 115 nitong nakaraang Abril 18, 2024 na may rekomendasyong piyansa na P200,000.

Dakong ala-1:30 ng hapon ay inaresto naman si alyas Mirafe sa F.B. Harrison Street Barangay 72 base sa warrant na inisyu ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Jose Janello A. Covarrubias ng Branch 47 nitong Marso 14, 2024 na may piyangsang P36,000.

Si alyas Estaban ang pangatlong inaresto dakong alas-2 ng hapon sa Tramo St. in Barangay 45, Pasay City sa bisa ng bench warrant na inisyu ni Judge Baddiri nitong Abil 23, 2024, dahil sa posesyon ng ilegal na droga na may kaakibat na rekomendasyon piyansang P200,000.

Sumunod namang nasakote si alyas Joe na sangkot sa kasong robbery na nalambat dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Tramo Street, Barangay 100 sa bisa ng warrant na inisyu ni issued by Pasay RTC Judge Pedro De Leon Gutierrez ng Branch 119 noong Mayo 6, 2015 na may rekomendasyong P100,000 piyansa.

Ayon kay Mayames, makaraan lamang ang 30 minuto ay inaresto naman sa bisa rin ng warrant of arrest si alyas Romnick ng alas-8 ng gabi sa Pasadena St., Pasay City dahil sa kasong robbery.

Ang pag-aresto kay alyas Romnick ay bunsod sa inisyung kautusan ni Pasay RTC Judge Pedro De Leon Gutierrez ng Branch 119 noong Hunyo 23, 2014 na may piyansang P100,000.

Ika-anim na nadakip ang nahaharap sa kasong robbery na si alyas Jason na nalambat dakong alas-11 ng gabi sa Valerio Street Barangay 132 sa bisa na rin ng warrant na inisyu naman ni issued on April 3, 2024 by Makati City RTC Judge Giovanni Esguerra Vidal ng Branch 236 na may rekomendasyon din na piyansang P100,000.

Sa patuloy na operasyon ng WSS ay huling nasakote bandang alas-11:20 ng gabi si alyas Jennifer na nahaharap sa kasong qualified theft.

Si alyas Jennifer ay inaresto sa F.B. Harrison Street sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Pasay RTC Judge Elmer Joseph Guerzon ng Branch 114 na may kaakibat namang rekomendasyon ng piyansang P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang mga nadakip na suspek ay pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police habang naghihintay ng kautusan ng korte sa paglipat ng kanilang pagkukulungan sa Pasay City jail. James I. Catapusan