Home ENTERTAINMENT Bimby, umatras sa showbiz; Kris, mukhang gumagaling na!

Bimby, umatras sa showbiz; Kris, mukhang gumagaling na!

Los Angeles, USA – Obyus na nagkaroon ng malaking pagbabago sa plano ni Kris Aquino para sa kanyang anak na si Bimby o si Bimby mismo.

Ayon sa vlog ni San Fernando, Pampanga mayor Vilma Calauag in which Kris was featured, pauwi na raw si Bimby sa bansa “to fix his student visa.”

Medicine o pagdodoktor daw ang kursong kukunin ni Bimby sa Amerika, which apparently means na wala na sa plano nito ang balak pasukin ang pag-aartista sa kagustuhan na rin ng ina.

Matatandaang mismong si Kris broached the ide of her son getting into showbiz to help her with the mounting medical bills, ayon na rin sa kanyang magastos na pagpapagamot.

Sa vlog din ng mayor binanggit ni Kris na “uwing-uwi” na raw siya.

Napansin din ng mga netizens na nakapanood ng vlog na ‘yon na iba ang aura ni Kris, as in hindi siya mukhang may sakit.

Dahil doon  ay nagpapasalamat ang mga supporters ni Kris that she looks “recovering” from her ailment.

As for Bimby, mukhang masaya rin daw ito sa kanyang recent 17th birthday celebration.

Mukhang ‘yung positive aura ni Bimby ay walang dudang nag-rub off sa kanyang ina na ganado sa naturang vlog recounting how she crossed paths with the San Fernando mayor.

It’s a known fact that Kris is battling five types of autoimmune disease, two of which are life-threatening.

As of two weeks ago, ‘yung dapat sana’y scheduled admission ni Kris sa UCLA Hospital ay hindi pa natuluy-tuloy. Ronnie Carrasco III