Home HOME BANNER STORY Presyo ng LPG tinapyasan

Presyo ng LPG tinapyasan

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Petron Corporation at Solane ang rollback sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products epektibo ngayong araw, Hunyo 1.

Sa abiso, sinabi ng Petron na magpapatupad sila ng P6.20 kada kilo na rollback sa kanilang household LPG.

Ang AutoLPG naman ay magkakaroon ng tapyas sa presyo na P3.47 kada litro.

Nag-anunsyo rin ang Solante na babawasan nito ng P6.18 kada kilo ang presyo ng kanilang LPG, VAT inclusive epektibo alas-6 ng umaga ngayong araw.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of June,” dagdag pa ng Petron. RNT/JGC

Previous articleIPAGDIWANG MATATATAG NA ALYANSA
Next articleFull implementation ng Maharlika Fund, inaasahan sa dalawang taon pagkapasa – Villar