Home ENTERTAINMENT Brent, inintrigang may anak na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Brent, inintrigang may anak na!October 29, 2025 19:474350 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Marami ang nakyutan sa viral TikTok video ni Brent Manalo na kumalat sa socmed.Sa nasabing clip, makikita ang PBB Celebrity Collab winner na pine-flex ang popular na dance moves.Marami naman ang humanga sa kanyang charm at effortless moves sa pagsasayaw.Isa namang netizen ang nagbigay ng nakakalokang komento na : “Malakas pa rin ang appeal kahit may anak na.”Nawindang naman si Brent sa naging reaksyon ni kuya na may user name na Chino Paco sa kanya.Sey ni Brent: “Huh?”Umani naman ng samu’t-saring komento ang kanyang reaksyon nang matalakay ito sa isang portal.Ito ang iba’t-ibang hirit ng kibitzers.“Hahaha. Nagulat si Kuya.”“Baka nga naman may dyunakis na siya. Hahaha.”“Pogi mo talaga.”“So pogi tlga Brenty.”“Si Mika ba ang dyuwasa niya. Hahaha?”“Only Brent can look this cool.”“Ilabas mo na kasi. Hahaha!” Archie Liao