Home HOME BANNER STORY Salaysay ni Guteza magagamit pa rin sa imbestigasyon – DOJ

Salaysay ni Guteza magagamit pa rin sa imbestigasyon – DOJ

281
0

MANILA, Philippines – Maaari pa ring magamit sa imbestigasyon ang mga salaysay ni Orly Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahit pineke ang pirma ng abogado sa kanyang testimonya, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni National Prosecution Service Prosecutor General Atty. Richard Anthony Fadullon, ang pahayag ni Guteza ay pinanumpaan sa Senado at hindi nangangahulugang peke o kasinungalingan ang nilalaman nito kahit hindi ito notarized.

Kung mapatunayang nagkasala sa pamemeke ng pirma, sinabi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na si Guteza lamang ang akusado sa kaso at siyang maaaring managot.

Wala aniyang kinalaman dito si Senator Marcoleta dahil limitado lamang ang kanyang papel sa mga pagdinig sa Senado.

Sa ngayon hindi pa maiimbestigahan ng DOJ ang nasa likod ng pamemeke ng pirma dahil wala pa silang kopya ng desisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here