Home METRO DPWH bumuo ng TWG sa tamang planning ng mga local flood control...

DPWH bumuo ng TWG sa tamang planning ng mga local flood control projects

404
0

MANILA, Philippines – Para maisaayos ang tamang pagpaplano ng local flood control project– ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay bumuo ng Technical Working Group (TWG).

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, pinagkakitaan lang ang mga naunang flood control project at hindi ito pinagplanuhan.

Ito ay matapos matuklasan ni Dizon sa kanyang pag-iinspeksyon na walang maipresintang plano sa mga flood control project.

Kaya naman sa pagbuo ng TWG, layon nito na magkaroon na ng tamang pagpaplano sa mga flood vontrol projects ng pamahalaan.

Ayon pa kay Dizon hindi aaprubahan ang flood control project kung hindi pahihintulutan ng binuo technical working group.

Hanggat wala aniyang approval ang TWG ay hindi maaprubahan ang flood control projects.

Kabilang sa bumuo sa technical working group ay sina UP nationwide operational assessment of hazard Dr. Alfredo Lagmay,UP National Hydraulic Research Center Dr. Guillermo Tabios III , Integrated environmental Science DENR Usec Dr. Carlo David at marami pang iba. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here