Home METRO Brgy. Kapitan sa Isabela tigok sa tambang

Brgy. Kapitan sa Isabela tigok sa tambang

ILAGAN CITY, Isabela – Sinalubong na ni kamatayan ang isang barangay kapitan matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang suspek sa Purok 7, Barangay Cabisera 27 (Abuan) dito sa naturang lungsod.

Ang biktima ay kinilalang si Barangay Kapitan Avelino Quitola, 62-anyos ng Cabisera 27 (Abuan) dito sa nasabing lungsod.

Pasado alas-8:00 ng gabi nitong nang matanggap ng Ilagan Component City Police Station ang ulat ukol sa nangyaring pamamaril na agad namang rumesponde ngunit hindi na naabutan sa lugar ang Brgy. Captain makaraang naisugod na sa pagamutan.

Napag-alaman, galing ang nasabing barangay opisyal sa pag-aari nitong establisyimento sa Brgy. Villa Imelda kasama ang asawa ngunit nauna nang umuwi sakay ng E-bike habang si Quitola ay lulan naman ng kaniyang kolong-kolong.

Nang makarating sa Purok 7 sa naturang lugar na loobang bahagi ng maisan at kalapit ng sementeryo ay doon na pinagbabaril ang biktima na hindi pa nakilala kung sino ang mga nasa likod ng pammaslang sa biktima.

Dead on arrival sa isang pagamutan sa lungsod ang biktima dahil sa mga tinamong sugat mula sa hindi pa mabatid na uri ng baril na ginamit ng riding in tandem kriminal.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO kay PLtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng Ilagan City Police Station ang malalimanang imbestigasyon at manhunt operation laban sa mga suspek.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano motibo sa pamamaril sa naturang barangay opisyal. (REY VELASCO)