MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian kasama ang mga lokal na opisyal ang paglulunsad ng Brigada Eskwela 2026 sa General Licerio Geronimo Integrated High School sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City noong Lunes.
Ayon sa DSWD, humigit-kumulang 800 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa barangay ang kasalukuyang tumatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang programa ng ahensya.
Bilang bahagi ng taunang volunteer initiative, nagtulong-tulong ang mga kalahok sa pagsasaayos at paglilinis ng mga pasilidad ng paaralan, pati na rin sa iba pang community-driven projects bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.
Layunin ng Brigada Eskwela na matiyak na ligtas, malinis, at maayos ang mga paaralan para sa mga estudyante sa pagsisimula ng school year 2026. DANNY QUERUBIN