Home METRO Brigada Eskwela ng Taguig LGU sa EMBO public schools handa na

Brigada Eskwela ng Taguig LGU sa EMBO public schools handa na

Handang handa na ang Taguig para sa Brigada Eskwela at sa pagbubukas ng mga klase sa 14 na EMBO public schools na inilipat mula sa Department of Education-Division of Makati City tungo sa Division of Taguig- Pateros kasunod ng desisyon ng Supreme Court na pagpabor sa Taguig sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang Lunsod.

Nagkita upang bumuo ng plano ang mga opisyal ng Taguig City, Dep-Ed Division of Taguig-Pateros Superintendent, at mga principal ng mga EMBO school para maisynchronise ang kanilang mga effort para sa maayos o seamless start ng iba’t-ibang educational initiatives.

Kabilang sa 14 na public schools sa EMBO area ang :- Makati Science High School
– Comembo Elementary School, – Rizal Elementary School,- Pembo Elementary School, – Benigno “Ninoy” S. Aquino High School,- Tibagan High School,- Fort Bonifacio Elementary School,- Fort Bonifacio High School,- Pitogo Elementary School,- Pitogo High School,- Cembo Elementary School,- East Rembo Elementary School,- West Rembo Elementary School; at – South Cembo Elementary School – na nasa ilalim na ngayon ng management at supervision ng Division of Taguig-Pateros sa bisa ng DepEd-National Capital Region Memorandum Order No. 2023-735 na
pirmado ni DepEd Regional Director Wilfredo Cabral na ipinalabas noong August 4, 2023.

Inatasan ng Memorandum Order ang mga kinauukulang division na maki”coordinate” sa kani-kanilang respective LGU counterpart para sa madali at maayos ns transition at turn-over ng management at supervision ng mga tukoy na paaralan at mga personnel.

Sa pulong ng school principals, DepEd Taguig-Pateros Superintendent Dr. Cynthia Ayles, at Taguig Mayor Lani Cayetano, kasama ang mga city officials, nangako at tiniyak nila na sama-samang magtatrabaho at matututo mula sa kanilang best practices, na kumbinsido silang makikinabang ang mga estudyante, magulang, teachers, at teaching personnel .

Noong June 2023, nireject ng Supreme Court ang omnibus motion ng Makati City government na humihiling sa SC na payagan itong muling magfile ng “second motion for reconsideration” tungkol sa territorial dispute nito sa Taguig City.

Pero ayon sa Supreme Court, ang second motion ng Makati for reconsideration ay isang prohibited pleading.

Nito namang September 2022, ibinasura ng High Court ang first Motion for Reconsideration ng Makati na tumutuligsa sa Supreme Court’s 2021 decision na tumukoy pabor sa Taguig na ang Fort Bonifacio Military Reservation, na binubuo ng parcels 3 at 4, psu-2031, kasama ang sampung EMBO barangay, ay bahagi ng teritoryo ng Taguig City. Dave Baluyot