Home OPINION DOCTORS’ SCANDAL DAPAT MAOPERA

DOCTORS’ SCANDAL DAPAT MAOPERA

167
0

ILANG araw lang ang nakararaan, inilantad ni Senador Bong Go ang isang iskandalo sa hanay ng ilan doktor o maraming doktor.

Nagtatag umano ang ilang doktor ng isang samahan para magtayo ng kompanya ng gamot at siyempre pa, may mga maniobra ang mga ito na hindi na tugma sa sinumpaan nilang pangunahing gawain.

Naapektuhan nang labis ang presyo ng mga gamot. ‘yun bang nagmahal, ang mga ito.

At ang masama pa, walang inireresetang ibang gamot ang mga doktor na naakay nilang sumama sa negosyo, kundi ang mga gamot na inilalako sa kanila ng mga doktor na nagtayo ng kompanya.

At siyempre pa, ang mga komisyon sa bentahan ng mga gamot, nagkapatong-patong na na dahilan ng pagmamahal ng mga gamot.

Isa pang pagmamahal ng mga gamot ang mga insentibo sa mga doktor na mga mamahaling sasakyan, jewelries at biyaheng abroad.

Mula rito, hindi na nakapagtataka kung bakit napakamamahal ang mga gamot dahil isinama sa basic price ang mga komisyon at insentibo.

At nagbabala laban sa mga doktor si Sen. Go.

PINANGALANAN

Makalipas ang expose ni Sen. Go, heto na’t pinangalanan na ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga doktor and kompanyang kanilang itinayo.

Ang kompanya umano, Bell-Kenz Pharma, itinayo noong 2006.

Kasama sa mga itinitinda ang mga gamot laban sa high blood, diabetes at anti-biotics.

 Mula 2016, lumaki na nang lumaki ang benta ng Bell-Kenz Pharma mula sa P1 bilyon noong 2016 sa P3.2 bilyon noong  2018 at P5 bilyon noong 2019.

At ayon kay Sen. Jinggoy, sina Luis Go, Berwyn Flores and James Cayetano ang nagtayo ng kompanya.

Ayon pa kay Sen. Jinggoy, para makapasok sa sistema ng kompanya, magbibigay ang aplikante ng P250,000-P500,000 bilang puhunan.

At marami nang doktor sa iba’t ibang panig ng Pinas ang sumali.

Ang bilin sa mga doctor-investor?

Wala silang irereseta sa mga pasyente kundi ang mga gamot na galing sa kompanya, at maging ang mga health supplement na hindi kailangan ng mga pasyente.

Buwan-buwan umanong tinitingnan ang productivity rate o gaano kalaki ang benta ng mga ito at depende sa laki ng kanilang benta, tatanggap ang mga ito ng mga rebate, komisyon at insentibo sa anyo ng cash, biyaheng abroad, mamamahaling sasakyan at jewelries.

Sa ganitong sistema, paano nga hindi yayaman ang mga doktor?

Ang masaklap, may sakit na nga ang mga pasyente, pinipiga pa ng mga doktor.

Ang higit na masakit, mga Bro, dito na lilitaw ang dahilan kung bakit hindi makabili ang mga pasyente ng kailangan nilang mga gamot.

At mula rito, sa sementeryo o cremation hahantong ang mga walang pambili ng gamot, mamumulubi maging ang mayayaman at mababalda ang mga patay-sindi ang pagbili ng gamot dahil sa kakapusan ng salapi para rito.

Ang Department of Health, anong mga hakbang ang dapat nitong gawin sa iskandalong gawa ng mga doktor na sangkot?

Hindi lang dapat Kongreso ang kumilos kundi ang DOH sa pag-opera at pag-alam sa katotohanan o kasinungalingan sa iskandalong ito para sa karampatang aksyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here