Home NATIONWIDE BRP Gabriela Silang balik-Pinas kasunod ng Tri-Country Port Visit

BRP Gabriela Silang balik-Pinas kasunod ng Tri-Country Port Visit

MANILA, Philippines- Matapos ang pagpapalakas ng ugnayan at pagpapahusay ng kooperasyong panseguridad sa tatlong bansa sa South East Asia, ang BRP Gabriela Silang ay balik-bansa na.

Sa kauna-unahang Tri-Country Port Visit ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinangunahan ni CG Captain Eleizer Ibarrientos mula Abril 14 hanggang 17, pinagtibay ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Sa arrival ceremony sa Maynila, binigyang pagkilala ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang kontribusyon ng liderato at crew ng Gabriela Silang sa pagbuo ng positibo, matatag at pangmatagalang ugnayan sa mga katulad na ahensiya sa Timog-Silangang Asya.

Bahagi ng aktibidad ang courtesy calls, professional exchanges, at joint search and rescue exercise kasama ang Vietnam Coast Guard — patunay ng matibay na kooperasyon para sa kaligtasan at seguridad sa karagatan.

Ang port visit na ito ay kasunod ng naunang pagbisita sa Thailand at Malaysia, at bahagi ng patuloy na pagtutulungan sa ilalim ng ASEAN Coast Guard Forum. Jocelyn Tabangcura-Domenden