MANILA, Philippines – Pinalakas ng Philippine Navy (PN) ang puwersa nito sa Visayas matapos ideploy ang bagong-kumpuning landing craft BRP Manobo (LC-297) sa Naval Forces Central (NFC).
Pormal na sinalubong ng NFC na nakabase sa Lapu-Lapu City ang BRP Manobo pagdating nito nitong Lunes sa Captain Veloso Pier ng Naval Base Rafael Ramos, kasunod ng pagkumpleto ng drydocking and other-related repairs (DDORR) nito mas maaga ngayong taon.
“Following the successful DDORR, the PN placed BRP Manobo, skippered by Lt. Cdr (Commander) Gino Paolo Goroy, under the operational control of NFC to immediately reintegrate the ship into active service,” ayon sa pahayag ng PN noong Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Navy, layon ng hakbang na ito na palakasin ang kakayahan ng hukbong-dagat at mapanatili ang operasyon sa karagatan sa rehiyon ng Visayas.
Habang patungo sa Naval Base Rafael Ramos, nagsagawa ang BRP Manobo ng sealift at transport mission bilang suporta sa maritime patrol operations ng NFC, na naglalayong palakasin ang domain awareness at seguridad sa dagat.
“The ship also transported approximately 6.84 tons of assorted cargoes essential to ongoing naval operations,” ayon pa sa PN.
Bahagi ang misyon ng patuloy na logistical at operational support ng NFC upang masigurong tuluy-tuloy ang maritime patrols at presensya ng Navy sa kanilang area of operations.
Matatandaang naging mahalaga rin ang papel ng BRP Manobo nang iligtas nito ang apat na mangingisda na na-stranded sa karagatan ng Mariveles, Bataan noong Setyembre 2021. RNT/MND