Home NATIONWIDE Brutal na pagpaslang sa asong si ‘Killua’ kinondena sa Senado

Brutal na pagpaslang sa asong si ‘Killua’ kinondena sa Senado

MANILA, Philippines – Matinding kinondena sa Senado ang brutal na pagpatay sa asong si “Killua”, isang Labrador Retriever sa Camarines Sur saka ipinanawgan ang pagpasa sa panukalang Revised Animal Welfare Act.

“I am heart-broken and enraged to hear of the mauling of Killua,” ayon kay Senador Grace Poe, awtor ng panukala sa ipinalabas na statement.

Base s CCTV footage, nakita ang aso na tumalon mula sa bubong ng isang bahay matapos itong gumapang. Inatake umano ni Killua ang isang residente kaya napilitan ang isang lalaki na habulan ang aso saka ito pagpapaluin hanggang sa mamamatay.

“His actions which were captured in a CCTV video, were fraught with excessive violence and shows that it was Killua who was being chased,” ayon kay Poe.

Ipinaubaya ni Poe ang pagpaparusa sa suspek hinggil sa pagkamatay ni Killuya, sinabi naman ng senador na dapat maging maalam ang publiko sa batas na nagbabawal at nagpaparua sa pagmamalupit sa hayop tulad ng aso alinsunod sa itinakda ng Animal Cruelty Act of 1998.

Sa gitna ng ulat ng pagmamalupit, pag-aabandona at pagpapabaya sa hayop, inihain ni Poe ang panukalang Senate Bill 2458 na naglalayong isama ang Mandatory Animal Welfare Education sa kurikulum ng elementarya at sekondarya.

Lilikhain ng Revised Animal Welfare Act ang isang Barangay Animal Welfare Task Force upang magkaroon ng kapangyarihan ang local officers na tugunan ang pagmamalupit sa hayop nang mabilisan.

Nakatakdang lumikha din sa panukala ng pamantasan patungo sa pagtuturo sa pet ownership na maging responsible kabilang ang ethical behavior at accountability sa komokontrol at nangangalaga ng hayop.

“This bill is now pending in the Senate Committee on Agriculture. We hope to pass this bill soon and put an end to despicable incidents such as what happened to Killua,” ayon kay Poe.

Aamendahan at palalakasin ng panukala ang original law, Republic Act No. 8485 (as amended by R.A. 10631), n ikinokonsiderang landmark legislation.

“Recognizing the urgency and enormity around animal cruelty and neglect calls for all hands on deck,” ayon kay Poe.

Iginiit ni Poe ang pangangailangan na mapaghusay ang kapasidad ng Department of Agriculture (DA) sa pagtugon sa animal welfare issues sa pamamagitan ng angkop na snagay na bibigyan ng sapat na pondo at tauhan upang mahusay na maipatupad ang batas at patakaran ng estado.

“Perhaps the Department of Interior and Local Government might consider this as one of the metrics for awarding the seal of good governance to a municipality,” ayon kay Poe.

Nakatakda din sa panukala na bigyan ng kapangyarihan ang DA Secretary na magtalaga ng animal welfare enforcement officers sa volunteers na sumailalim sa angkop at tapat training.

Habang binibigkas ni Poe ang kanyang privilege speech, naglabas siya kablang ang isang senador at animal welfare groups ng alagang aso.

Kabilang dito si Senador JV Ejercito, na dinala ang alagang asong si “Nick” saka matinding kinondena ang pagpaslang kay Killua.

Ayon kay Ejercito, malinaw na nilabag ang batas at salungat ito sa prinsipyo ng compassion and decency.”

“As a fellow dog lover, witnessing the disturbing video of Killua, a Golden Retriever, being brutally killed is truly heartbreaking. I vehemently condemn this act…Our beloved companions, often considered man’s best friend, should never be subjected to such cruelty,” aniya.

“This tragic incident underscores the urgent need for the passage of Senate Bill 2458, also known as the Revised Animal Welfare Act, championed by Senator Grace Poe. Strengthening our laws to protect the welfare of animals is paramount to prevent such senseless acts of violence,” giit pa ng senador. Ernie Reyes

Previous articlePagkamatay ng isa sa akusado sa Percy Lapid case pinasusuri ng DOJ sa forensic expert
Next articleAnimal group may payo sa pwedeng gawin kapag may peligro sa aso