Home NATIONWIDE Pagkamatay ng isa sa akusado sa Percy Lapid case pinasusuri ng DOJ...

Pagkamatay ng isa sa akusado sa Percy Lapid case pinasusuri ng DOJ sa forensic expert

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na sumangguni sa forensic pathologist para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ni dating Bucor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.

Ang direktiba ni Remulla ay bunsod ng mga pagdududa sa naging sanhi ng pagkamatay ni Zulueta na isa sa mga akusado sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, kung kinakailangang ay makipag-ugnayan ang NBI sa Forensic expert na si Dr. Raquel Fortun upang magsagawa ng autopsy sa labi ni Zulueta ay gagawin nila uto upang maalis ang mga pagdududa sa pagkamatay nito.

Batay sa report, isinugod sa ospital si zulueta dahil sa pananakit ng dibdib ngunit namatay din kinalaunan.

Ngunit lumabas sa death certificate ni zulueta “cerebrovascular disease intracranial hemorrhage” o pagdurugo sa utak ang cause of death nito na nagdulot ng pagdududa sa tunay na sanhi ng pagpanaw nito.

Samantala, hinihikayat din ng DOJ ang PNP na ibahagi sa kanila ang kanilang mga naging findings sa sanhi ng pagpanaw ni Zulueta.

Tiniyak ng DOJ gagawin ang lahat ng paraan upang lumabas ang katotohanan sa likod ng pagpanaw ni zulueta at walang makakapigil sa kanila upang mapanagot at mahanap ang hustisya

Si Zulueta ay may nakabinbing wareant of arrest
Zulueta kasama ni dating BuCor Director General Gerald Bantag sa kasong murder sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid at bucor na si inmate Jun Villamor. Teresa Tavares

Previous article4 suspek sinampahan ng double murder case sa pagpatay sa mag-ina sa Quezon
Next articleBrutal na pagpaslang sa asong si ‘Killua’ kinondena sa Senado