Home ENTERTAINMENT Sunshine, deadma sa lovelife!

Sunshine, deadma sa lovelife!

Manila, Philippines- Hangga’t maaari ay ayaw na ni Sunshine Cruz na mapag-usapan pa ang tungkol sa kanyang lovelife.

This time, gusto ng maganda at flawless na aktres na magkaroon ng privacy sa usaping pag-ibig.

Sa isang interview nga sa kanya, nang usisain siya kung may bago na ba siyang dini-date, ang sagot niya, “I don’t really want to talk about it. So balato ninyo na lang sa akin, I’m turning 47. Mga anak na lang ang pagkuwentuhan natin.”

Nang may magtanong uli ay iginiit niyang ayaw niya itong pag-usapan dahil paliwanag nga niya ay, “Hindi naman kami teenager para pag-usapan and magulo lang… magulo.

“So whatever I have and what I don’t have, I’d rather keep it private na lang pagdating sa love and personal life.”

Anyway, hindi naman nakakagulat kung may manligaw uli kay Sunshine dahil mukha siyang mas bata sa kanyang edad, sa totoo lang naman.

Hindi mo iisipin na magpo-47 na siya, ha! Rommel Placente