Home HOME BANNER STORY BSKE 2023 bilang ‘bloodiest election’ pinalagan ng Comelec

BSKE 2023 bilang ‘bloodiest election’ pinalagan ng Comelec

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang ulat na nagsasabing ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang “pinakadugong halalan sa nakalipas na dekada” sa autonomous region sa Mindanao.

Ayon sa Council for Climate and Conflict Action Asia, may namonitor itong 20/ ulat ng critical events sa buong probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang dito ang mga insidente ng pamamaril, pananaksak, pananaga, riot at suntukan, gayundin ang panggigipit at pananakot sa mga botante at tagasuporta ng mga kandidato.

Sinabi ni Garcia na nakapagtala lamang ang Comelec ng 19 election-related deaths at 29 election-related violence, at ito ay na-verify ng Philippine National Police.

Sa kabilan ng naturang mga insidente, pinanindigan ng Comelec chief na mapayapa ang mga nakaraang botohan.

Binigyang-diin ni Garcia na dapat ding doblehin ng mga awtoridad ang kanilang pagsisikap para sa paghahanda para sa 2025 elections.

Sa panahon ng botohan sa antas ng nayon, mahigit 300,000 tauhan ng seguridad ng gobyerno ang na-deploy sa buong bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na si Rex Laudiangco na ang kamakailang BSKE ay nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto para sa iligal na pangangampanya, pagbili ng boto, maagang pangangampanya, at mga insidente na may kaugnayan sa halalan, na may agarang pagtugon upang maiwasan ang pagkalat ng karahasan.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)