Home METRO Senglot na sumusuray patay sa suntok ng inaway

Senglot na sumusuray patay sa suntok ng inaway

MANILA, Philippines – Patay ang isang umano’y lasing matapos suntukin ng kanyang hinamon ng away sa Navotas City.

Kinilala ang ng nasawi sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Aljon Cabangbang, nasa hustong gulang habang arestado naman ang suspek na si alyas “Totoy” na kinasuhan ng homicide.

Nabatid na gumegewang sa paghahatid ng isang kakilala ang biktima nang makursunadahan umanong hamunin ng away at suntukin ang suspek.

Kahit sinasabing hindi tinatamaan dahil sa lasing ang suspek, napikon si Totoy kay Cabangbang at gumanti ng suntok dahil pirmi umano siya nitong nilalait.

Nasapul ang biktima na nabagok at namatay habang nasakote ng mga parak ang suspek. Merly Iral