Home NATIONWIDE BSP binatikos ni Imee sa pagbebenta ng 25 toneladang reserbang ginto

BSP binatikos ni Imee sa pagbebenta ng 25 toneladang reserbang ginto

MANILA, Philippines – Binatikos sa Senado ang ilang economic managers ng pamahalaan hinggil sa pagbebenta ng mahigit 24.95 toneladang reserbang ginto sa unang kalahati ng 2024 na taliwas sa ginawa ng ilang bansa na nag-iimbak.

“Abala ang marami po sa atin, sa ating mamamayan pati ang ating mga bangkero pagkat ang ibang bansa bumibili ng ginto, bakit daw tayo biglang nagbabagsak at nagbebenta ng ginto e samantalang sinabi po ninyo, sapat naman ang ating pera bakit pa tayo nagbebenta ng katakot-takot?” ayon kay Senador Imee Marcos sa ginanap na unang plenary deliberations ng Senado sa panukalang 2025 national budget.

“The BSP took advantage of the higher prices of gold in the market and generated additional income without compromising the primary objectives for holding gold, which are insurance and safety,” ayon sa BSP noon.

Sinabi naman ni Senador Grace Poe na kahit nagbenta ang BSP ng halos 25 toneladang ginto, nakabili naman ito ng halagang P16.733 billion ng ginto.

Pero, nabigo ang economic managers na ibigay ang katumbas na timbang ng P16 bilyong halaga ng ginto nang ikumpara sa deliberasyon ng Senado sa plenaryo hinggil sa gintong naibenta at nabili ng pamahalaan.

Aniya, taliwas ang pagbebenta sa pangkaraniwang patakaran sa paglalagak ng reserba sa pagbatikos sa desisyon ng BSP.

“That would appear to be the opposite. ‘Di ba baliktad yon? Pag nagre-reserve ka, nag-iipon ka. Hindi ka nagbebenta. Can we be enlightened on the rationale of the BSP?” ayon sa senador.

“The question also arises and it has been asked not only here in the Philippines but elsewhere, what is the overall effect of the sale of gold in our gross international reserves? Sa BSP, ‘yung GIR natin syempre babagsak din,” giit pa niya.

Isang pamamaraan ang GIR sa kakayahan ng pamahalaan na magbayad mg import payments at pagbabayad sa dayuhang utang. Paliwanag ng economic manager, sa pamamagitan ni Poe, na ibinenta ang ginto upang makakuha ng cash reserves na nagpataas sa halaga ng GIR ng Pilipinas.

“Tumaas, actually. Our dollar reserves increased…Our dollar reserves are 112 billion US dollars which is the highest ever,” ayon kay Poe.

Binanggit pa ni Poe na umabot pas a siyam na porsiyento ang GIR ng bansa sa ginto.

Ikinatuwiran pa ni Poe na kaya nagbenta ng ginto ang pamahalaan dahil mataas ang presyo at mataas ang pangangailangan nito sa unang bahagi ng 2024.

“Instead of holding on to it when you also forecast or when you analyze that it is a high number or it is in demand, that is the time actually you also sell but you keep a certain percentage for reserve,” ayon kay Poe.

Kapwa hiniling ng senador na magbigay ng opisyal na paliwanag ang BSP kung bakit hindi naibenta ang ginto sa mas malaking halaga na umaabot ngayon sa current price na $2,754.27 per troy ounce na pawang isang “record amount.”

Noong Setyembre, nagbenta ang BSP, ayon sa BestBrokers, isang online aggregator, na pawang pinakamalaki sa lahat ng bansa na iniulat sa World Gold Council sa unang bahagi ng taon. Ernie Reyes