MANILA, Philippines – Isang motorcycle rider ang namatay nang bumangga sa sinusundan nitong motor na kapwa tumilapon mula sa kanilang sasakyan sa kahabaan ng Congressional Rd Brgy Poblacion General Mariano Alvarez, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Mark Joshua Osila Roque na naisugod pa sa hospital subalit namatay din habang ginagamot dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Sa report, kinilala ang isa pang driver ng motors na si John Carlo Mendoza Damaso na pansamatalang pinigil sa Barangay Hall ng ng nasabing lugar.
Base sa ulat ng GMA Municipal Police Station at base sa Closed Circuit Television (CCTV) footage na kanilang hawak, kapwa binabagtas ng dalawang rider ang kahabaan ng naturang kalsada na sakop ng Brgy Poblacion 5 patungo sa town proper kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Click 125 na may plakang D993GU habang nakasunod ito sa Isa pang motor na Yamaha Mio Sporty na may plakang 7121UR na minamaneho ni Damaso.