Home METRO Halos 1000 pamilya inilikas sa Sta. Ana, Cagayan sa hagupit ni Marce

Halos 1000 pamilya inilikas sa Sta. Ana, Cagayan sa hagupit ni Marce

161
0

STA. ANA, Cagayan – Posibleng madagdagan pa ang 919 pamilya o 2,800 indibidwal ang inilikas sa ngayon ng Local Government Unit ng Sta. Ana, Cagayan habang silay sinasalanta at hagupitin ngayon ng bagyong Marce.

Ayon kay Marion Miranda, MDRRM Officer ng Sta. Ana, halos pahirapan ang kanilang isinasagawang paglikas sa mga residente at marami pa ang tumatawag sakanilang tanggapan na humihiling na sila’y ilikas nguni’t dahil sa lakas ng hangin at ulan ay nahihirapan na ang kanilang team na lumabas.

Kahapon pa umano hinihimok ang mga residente na lumikas upang matiyak ang kanilang kaligtasan pero ang ilan ay hindi sumunod kung saan ngayon kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin ay saka sila nagpapasaklolo sa mga rescue team.

Maayos pa ang panahon kahapon hanggang kagabi kaya posibleng nagpakampante ang mga residente.

 

Kung kayat payo ng mga ito na pansamantala muna manuluyan sa mga kamag-anak dahil nahirapqn na rin silang lumabas.

Hindi rin nakaligtas ang himpilan ng pulisya na nasira ang bahagi ng kisame at salamin.

Maging ang augment rescuer ay nahirapan na rin dahil nasa signal #4 na ang bagyong Marce. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here