Home NATIONWIDE BSP: Inflation nakaambang lumobo ngayong Oktubre

BSP: Inflation nakaambang lumobo ngayong Oktubre

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bahagyang pagtaas ng inflation para sa buwan ng Oktubre, na inaasahang papalo sa 2.0 hanggang 2.8 porsyento. 

Kasunod ito ng pagsampa ng inflation rate noong Setyembre sa 1.9 porsyento.

Inihayag ng BSP nitong Biyernes na ang ugat ng “upward pressure” sa mga presyo ay mula sa halaga ng essential food items tulad ng gulay, prutas, at isda.

Nakaambag din ang pagtaas ng presyo ng domestic petroleum product at pagbaba ng halaga ng piso sa pressure, anito pa.

Subalit, inaasahan ng BSP na bahagyang mapipigilan ang inflationary pressures na ito ng nakaumang na pagbaba ng presyo ng bigas at karne, maging tapyas-presyo sa kuryente. RNT/SA