MANILA, Philippines – ariing kinupirma ng Bangsamoro Parliament sa Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao (BARMM) ang mga reklamo hinggil sa nakakalunos na kalagayan ng edukasyon at Ministry of Basic Higher and Technical Education (MBHTE) na kung saan sinibak si Minister Mahogher Iqbal noong nakaraang linggo dahil sa ulat ng Commission on Audit hinggil sa umano’y mga iregularidad sa naturang ahensya.
Nabatid sa report ng Committee on Finance, Budget, and Management (CFBM) sa pagtatapos ng deliberasyon sa 2026 budget ng BARMM budget, nagkaroon umano ng sobrang delay sa execution and fund utilization sa MBHTE.
Ang MBHTE ay may budget ₱26.49 billion, pinakamalaki sa kabuuang ₱114 billion budget ng BARMM budget sa taong ito, upang mapagbuti ang antas ng edukasyon at maipatupad ang mga reporma para sa kasanayan ng mga estudyante.
Ang functional illiteracy rate sa BARMM ay umaabot ng 38.3%, o mas mataas pa sa national average na 30.6%, at pinakamataas sa lahat ng rehiyon.
Ang BLEPT performance ng BARMM teachers ay isa sa pinakamababa, o 34th place out of 39 sa buong bansa. Kaugnay nito ang dropout rate naman sa mga kolehiyo ay umabot na sa 90%, na lubhang napakataas sa national average na 35.39%.
Mayroon lamang na 8.7% ng mga estudyante ang nakaenrol sa kolehiyo, na siyang pinakamababang participation rate sa bansa kumpara sa national average na 28.7%.
Mayroon ding 9,599 posisyon sa ahensiya ang hindi pa napupunuan, samantalang 36,773 items mula pa sa kapanahunan ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao ang hindi pa rin naaksiyunan, lalu na sa Sulu na kung saan ay may apektadong 3,000 teachers at staff.
Ang mga volunteer teachers naman ay tumatanggap ng mababang pasahod. Samantala napakabagal din umano ang naging usad sa pagpapatayo at pag repair ng mga silid paaralan na kung saan 1,330 ng 2,289 projects ay hindi pa din nakukumpleto.
May 567,946 mesa pa ang kulang, at 757,379 learners kit ang hindi pa natatanggap ng mga estudyante. Habang ang halaga ng biniling armchair ay umabot sa ₱5,049 bawat isa, na nagdulot ng masidhing katanungan sa tunay nahalaga nito. (Santi Celario)