Home NATIONWIDE BuCor: 805  PDL pinalaya noong Abril

BuCor: 805  PDL pinalaya noong Abril

MANILA, Philippines- Nasa 805 na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang prison and penal farms ang napalaya sa buwan ng Abril.

Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 783 na napalayang PDL noong Marso.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa mga napalaya nitong Abril, nasa 548 ang nagpaso na ang maximum sentence, 161 ang nabigyan ng parole, 67 ang napawalang-sala, 28 ang napagkalooban ng probation at isa ang napagbigyan ang petition for habeas corpus. 

Sa tala ng BuCor, 42 PDL ang napalaya mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF), 131 naman mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), 39 mula sa Leyte Regional Prison (LRP), 148 ang napalaya mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP),  204 mula sa NBP Medium Security Compound, 46 mula sa NBP Minimum Security Compound, 17 mula sa Reception and Diagnostic Center ng NBP,  51 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) at 65 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City. Teresa Tavares