MANILA, Philippines- Sa pagtatapos ng holiday break, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nakapagtala ng nasa 380,737 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa noong Enero 3.
Sinabi ng PCG na mayroong 192,981 outbound passengers at 187,757 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa nitong Biyernes.
Nag-deploy din ng 2,998 PCG personnel sa 16 coast guard districts sa buong bansa at nag-inspeksyon sa 552 sasakyang-dagat at 1,040 motorbancas.
Noong Biyernes, minarkahan ang huling araw kung saan lahat ng PCG districts, stations at sub-stations ay inilagay sa heightened alert simula Disyembre 20 upang mapamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Inaasahan ng PCG na mas marami pang pasahero sa mga pantalan ngayong weekeend.
Inalerto na ng PCG ang kanilang mga tauhan para matiyak ang public safety sa gitna ng pagdagsa ng mga tao sa pantalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden