Home NATIONWIDE Pag-arangkada ng ballot printing ipinaalam na sa SC – Comelec

Pag-arangkada ng ballot printing ipinaalam na sa SC – Comelec

MANILA, Philippines- Nagpadala na ng sulat ang Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema para sa pagsisimula ng pag-imprenta ng mga balota para sa 2025 national and local elections (NLE).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ito ay upang ipagbigay-alam sa SC ng developments sa preparasyon para sa miderm election ngayong taon.

“I am officially writing a letter to our honorable Chief Justice, informing the SC, that we will start the printing of ballots by January 6,” sabi ni Garcia.

Ayon kay Garcia, ang intensyon ay hindi para impluwensyahan ang Korte Suprema kaugnay sa kasong inihain noon bagkus, upang maiwasan na maulit ang nangyari sa mga nakaraang halalan kung saan pinagsabihan ang Comelec sa hindi pagpapaalam sa SC ng updates sa mga paghahanda.

Sinabi pa ni Garcia na ang bawat aksyon na ginagawa ngayonng Comelec ay iniuulat na sa Korte Suprema.

Ilang 2025 NLE aspirants kabilang ang dating kinatawan ng Caloocan na si Edgar Erice ang dumulog sa Mataas na Hukuman hinggil sa diskwalipikasyon ng kanyang kandidatura.

Ayon kay Garcia, hindi isasama sa balota ang mga indibidwal na may mga kaso na idineklara bilang final at executory.

Gayunman, sakaling makakuha ng TRO mula sa SC, ang poll body ay susunod sa desisyon at ilalagay ang kanilang mga pangalan.

“Hanggat wala kaming nakukuhang TRO, we will have to proceed with the printing of ballots,” sabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden