Home METRO Kelot utas sa retired soldier na ama

Kelot utas sa retired soldier na ama

ILOCOS NORTE- Tigok ang isang 25-anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang mismong ama sa San Guillermo, Ilocos Norte ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Arestado naman ang 57-anyos na tatay nito na isang retired army.

Nakita ng biktima na nagtatalo ang kanyang ama at ang kanyang ina kaya sinubukan nitong awatin at pakalmahin ang suspek.

Gayunman, biglang kumuha ng baril ang suspek at binaril nito ng dalawang beses ang biktima.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na nagawang isalba pa ng doktor.

Sa crime scene ay nakarekober ang mga awtoridad ng 5.56-caliber cartridges. Rolando S. Gamoso