Home NATIONWIDE Comelec sa mga kandidato: Traslacion ‘wag samantalahin

Comelec sa mga kandidato: Traslacion ‘wag samantalahin

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Commission on Elections sa mga kandidato sa kanilang plano na gamitin ang Traslacion sa Enero 9 bilang campaign venue.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi dapat samantalahin ng mga kandidato ang religious activities tulad ng kapistahan ng Jesus Nazareno.

“This should be taken as a warning. There is nothing preventing us from disqualifying these individuals,” sinabi ni Garcia sa press conference kaugnay sa paghahanda sa Kapistahan ng Quiapo at sa Traslacion.

Ayon kay Garcia, ibigay ang nasabing araw sa mga deboto at huwag samantalahin. Aniya, ito ay isang araw lamang kumpara sa 90 araw para sa national candidates at 45 araw para naman sa local candidates para mangampanya.

Sinabi naman ng pamunuan ng Quiapo Church na ang nasabing selebrasyon ay hindi na limitado sa Manila ngunit ito ay pagdiriwang na sa buong bansa.

Ayon kay Quiapo Church Rector Fr.Rufino “Jun “Sescon, ipinagdiriwang din ng buong bansa ang taunang kapistahan dahil ito ay idineklara bilang pambansang liturgical feast.

Sa bawat diyosesis at bawat parokya sa Pilipinas, sinabi ni Fr. Sescon na asahang ito ay ipagdiriwang.

Binanggit ng pari na nangyari noong nakaraang taon na deklarasyon ng Pista ng Hesus Nazareno bilang pambansang liturgical feast. Jocelyn Tabangcura-Domenden