MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Agriculture (DA) na sisiyasatin ang reklamo ng mga mamimili hinggil sa bukbok na natagpuan sa bigas na ibinebenta sa Kadiwa markets, partikular sa isang tindahan sa Quezon City.
Ayon kay Neil Sañoza, tindero sa Murphy Market, maraming sako ng bigas ang may bukbok, dahilan kaya may mga bumalik na mamimili. Sinabi rin niyang mas maganda ang kalidad ng bigas noong ito ay P40 kada kilo pa.
Tiniyak naman ng DA na dumaan sa masusing pagsusuri ang bigas sa Kadiwa markets.
Ayon kay tagapagsalita Arnel de Mesa, inatasan na ang FTI at NFA na muling suriin ang sitwasyon, lalo’t patuloy na maayos ang kalidad ng bigas sa ibang Kadiwa stalls. Santi Celario