Home NATIONWIDE PNP sa publiko: Bumibili ng boto, isumbong!

PNP sa publiko: Bumibili ng boto, isumbong!

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na isumbong ang mga kaso ng bilihan at bentahan ng boto habang papalapit ang pambansa at lokal na halalan sa 2025.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil, paiigtingin ng pulisya ang pagbabantay, pagsisiyasat, at aksyon laban sa mga lumalabag sa batas-panghalalan.

Buong suporta rin aniya ang PNP sa kampanya ng Comelec’s Kontra Bigay Committee, na naglalayong pigilan ang vote-buying, vote-selling, at maling paggamit ng pondo ng gobyerno.

Ayon sa Omnibus Election Code, ang sinumang mapatunayang sangkot sa vote-buying o vote-selling ay maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon, matanggal sa posisyon, at mawalan ng karapatang bumoto. Santi Celario