Home HOME BANNER STORY Zero journalist killings sa 2024 ikinatuwa ng NPC

Zero journalist killings sa 2024 ikinatuwa ng NPC

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang 2024 bilang isang makasaysayang taon na walang naitalang pagpatay sa mga mamamahayag, ayon sa ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Ayon kay NPC President Leonel Abasola, bunga ito ng sama-samang pagsisikap ng media community sa pagprotekta sa hanay ng mga mamamahayag. Gayunpaman, binigyang-diin niya na marami pang hamon ang kailangang harapin, lalo na’t marami pa ring kaso ng pagpatay sa media ang hindi nareresolba.

Sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan, nanawagan siya sa mga mamamahayag na panatilihin ang mataas na antas ng etikal na pamamahayag at umiwas sa mga alitan sa politika upang hindi madamay sa mga tunggalian sa eleksyon.

Patuloy rin ang pagpapalakas ng NPC sa kanilang presensya sa buong bansa, kung saan nakapagtatag na sila ng mga regional at provincial chapters sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Nueva Ecija, at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT