Home HOME BANNER STORY Commercial vaxx vs ASF posible sa Abril

Commercial vaxx vs ASF posible sa Abril

MANILA – Inaasahang maaaprubahan sa Abril ang komersyal na pagbabakuna laban sa African swine fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, inaasahan nilang magkakaroon ng commercial approval para sa AVAC vaccine mula Vietnam sa unang linggo ng Abril.

Mahigpit itong babantayan ng FDA at Bureau of Animal Industry (BAI).

Samantala, nagpapatuloy ang gobyerno sa pagbabakuna sa piling lugar, kung saan 490,000 doses ang target na iturok.

Iniulat ng BAI na bumaba na sa 68 barangay ang apektado ng ASF, mula 534 noong Oktubre 2024.

Unang isinagawa ang ASF vaccination drive noong Agosto 2024 sa Lobo, Batangas, gamit ang 10,000 AVAC doses mula sa emergency procurement. Santi Celario