Home HOME BANNER STORY Bulaga sa ‘ber’ months: LPG sumirit ng P73.15 kada tangke

Bulaga sa ‘ber’ months: LPG sumirit ng P73.15 kada tangke

MANILA, Philippines – Sisirit ang presyo ng cooking gas sa P6.65 kada kilo ngayong Biyernes, Setyembre 1, ayon sa mga lokal na kumpanya ng langis.

Sa advisory nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Petron na magtataas ito ng presyo ng 11-kilogram na liquefied petroleum gas (LPG) cylinder ng P73.15 kada tangke.

Ang presyo ng AutoLPG ay tataas din ng P3.70 kada litro.

Noong Agosto, tumaas ng P50.05 ang presyo ng 11-kg cylinder LPG.

Ayon sa Department of Energy, nasa P718 hanggang P935 kada tangke ang umiiral na retail prices ng LPG sa Metro Manila.

Huling binawasan ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng cooking gas noong Hulyo ng P3.70 kada kg o P40.70 kada 11-kg cylinder. RNT