Home NATIONWIDE 138 dagdag-kaso; active COVID cases sumirit sa 2,685

138 dagdag-kaso; active COVID cases sumirit sa 2,685

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas nitong Huwebes ng 138 bagong impeksyon sa coronavirus, to na ang pinakamataas na pang-araw-araw na tally sa loob ng 11 araw, na nagtulak sa pambansang COVID-19 caseload sa 4,110,343.

Ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Health, ang aktibong kaso ng COVID-19 ay tumaas din ng 52 kaso sa 2,685. Ang mga nakarekober ay tumaas ng 86 hanggang 4,040,991, habang nanatili sa 66,667 ang bilang ng mga namatay sa bansa.

Ang National Capital Region ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw na may 457, sinundan ng Calabarzon na may 188, Central Luzon na may 186, Davao region na may 107, at Western Visayas na may 88.

Sa mga lungsod at probinsya, ang Quezon City ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 14 na araw na may 106, sinundan ng Bulacan na may 60 kaso, Davao City at Laguna province na may tig-55, at Cavite province na may 52.

Ang COVID-19 bed occupancy ay 12.5%, na may 2,759 occupancy at 19,282 ang bakante.

May kabuuang 3,760 indibidwal ang nasuri noong Agosto 30, habang 303 testing lab ang nagsumite ng data. RNT