Home NATIONWIDE M-6.1 na lindol yumanig sa Timor, Indonesia

M-6.1 na lindol yumanig sa Timor, Indonesia

INDONESIA – Yumanig ang 6.1-magnitude na lindol sa isla ng Timor ng Indonesia noong Huwebes, sinabi ng geophysics agency (BMKG) ng bansa sa social media platform X.

Sa kabila nito, kinalma naman ng BMKG ang publiko sa pagsabing hindi inaasahan ang pagbuo ng tsunami kasunod ng lindol.

Sinabi ng ahensya na ang epicenter ng lindol ay nasa lupa sa lalim na 75 kilometro (46.6 milya), at naramdaman ito sa Kupang, isang lungsod sa lalawigan ng East Nusa Tenggara sa kanlurang bahagi ng isla ng Timor.

Walang mga ulat ng pinsala o nasawi sa ilan sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, kabilang ang Kupang, sinabi ng lokal na ahensya ng paghahanap at pagsagip sa isang pahayag. RNT