Home METRO ‘Buleg’ nadakma sa P245K damo sa Bulacan buy-bust

‘Buleg’ nadakma sa P245K damo sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang isang lalaking pinaghihinalaang bigtime tulak matapos mahulihan ng P245,115 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Pulilan.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL Relly Arnedo ni Pulilan acting chief of police PLTCOL. Jerome Jay Ragonton kinilala ang suspek sa alyas Buleg.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon ng Pulilan police bandang 11:40 ng gabi nitong Pebrero 10 sa naturang bayan.

Narekober sa operasyon ang umanoy P500 marked money, two pieces large transparent plastic,medium size transparent plastic na kapwa naglalaman ng hinihinalang marijuana na tumimbang ng 2.04 kilos na nasa halagang P245,115.00 at black Mitsubishi Mirage.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III

Previous articleModernong alert system vs kalamidad tulad ng Big One, aprubado sa Senado
Next articleAKREDITADONG COLLECTING AGENTS NG SSS MULA ENERO HANGGANG OKTUBRE