Home METRO Bulkang Kanlaon muling pumutok

Bulkang Kanlaon muling pumutok

230
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nagkaroon ng moderate explosive eruption ang Kanlaon Volcano noong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagputok sa tuktok ng bulkan bandang 6:07 p.m.

Nagbuga ito ng eruption column na umabot sa 5 kilometro ang taas at napadpad patungong timog-silangan at hilagang-silangan.

“This is the third event at Kanlaon this year, following similar eruptions in 19 and 26 February 2026,” ayon sa Phivolcs.

Nananatili ang Alert Level 2 sa bulkan at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone.

Sa ilalim ng Alert Level 2, posible ang biglaang steam-driven o phreatic eruptions at mga senyales ng posibleng magmatic activity. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here