Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nagliligalig na naman; 19 na lindol naitala

Bulkang Kanlaon nagliligalig na naman; 19 na lindol naitala

MANILA, Philippines – Naitala ng Kanlaon Volcano ang 19 na lindol nitong Martes, mas mataas kaysa sa 15 noong Lunes, ayon sa PHIVOLCS.

Nagbuga din ang Kanlaon Volcano ng 3,503 tonelada ng sulfur dioxide, mas mababa kaysa sa 4,685 tonelada noong nakaraan.

Napansin din ang katamtamang paglabas ng usok na umabot sa 150 metro ang taas at tuloy-tuloy na degassing, patungong kanluran at timog-kanluran. Nanatiling namamaga ang edifice ng bulkan.

Nasa Alert Level 3 pa rin ang Kanlaon, na nangangahulugang may mataas na antas ng pag-aalboroto at maaaring magkaroon ng mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang linggo.

Kabilang sa mga banta ang biglaang pagsabog, pagdaloy ng lava, pag-ulan ng abo, pyroclastic density currents, pagguho ng bato, at lahar. Pinalawak ang danger zone sa anim na kilometrong radius. Santi Celario