Home IN PHOTOS Escudero nanindigan; impeachment trial magsisimula sa balik-sesyon

Escudero nanindigan; impeachment trial magsisimula sa balik-sesyon

QUEZON CITY — Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ngayong Miyerkules, Pebrero 19, 2025, na bagaman may matinding pressure mula sa iba’t ibang grupo at petitioners, mananatiling naka-recess ang Senado at maaari lamang simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kapag muling nagbalik-sesyon ang Senado.

Via Cesar Morales, OSP

Sa kabilang banda, ipinag-utos din ni Escudero ang mock setup ng session hall bilang paghahanda para sa nalalapit na paglilitis. Nilinaw muli niya na nananatili ang Senado sa orihinal nitong time table at ang setup ay bahagi lamang ng kanilang preparasyon. RNT