Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon, nagliligalig rin; nagbuga ng abo

Bulkang Kanlaon, nagliligalig rin; nagbuga ng abo

195
0

MANILA, Philippines – Nagbuga muli ng abo ang Bulkang Kanlaon noong Miyerkules ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nagsimula ang pagbuga ng abo noong 2:58 p.m. ng Miyerkoles, at nagpapatuloy pa rin, na may grayish plumes na umabot hanggang 900 metro sa ibabaw ng bunganga at humihimlay patimog-kanluran.

Nagbuga rin ng abo ang Kanlaon noong Martes, na may plumes na umabot 350 metro.

Nanatili sa Alert Level 2, na nagpapahiwatig ng katamtamang antas ng pagkabahala.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, normal ang pagbuga ng abo sa ilalim ng Alert Level 2.

“Ash emissions happen when there’s a new release of volcanic gas and pressure,” paliwanag niya. Ang degassing ay nagdadala ng pinong at tuyong materyal o abo na maaaring bumagsak sa bunganga ng bulkan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here