Home NATIONWIDE Bulkang Mayon nakapagtala ng dalawang rockfall events

Bulkang Mayon nakapagtala ng dalawang rockfall events

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi bababa sa dalawang rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano nitong Lunes, Marso 3 sa nakalipas na 24 oras na pagmamasid sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 ang bulkan.

Naobserbahan din ng Phivolcs ang panandaliang inflation sa paligid ng mga lugar sa paligid ng Mayon, na sinamahan ng west-southwest at west-drifting moderate emission ng plume ng bulkan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga kalapit na komunidad na manatiling alerto para sa mga posibleng panganib, tulad ng phreatic eruptions, rockfalls, o lahar flow dahil sa matagal na pag-ulan sa Albay. Santi Celario