Home NATIONWIDE Bulkang Mayon nakapagtala ng ‘minor’ fountain activity

Bulkang Mayon nakapagtala ng ‘minor’ fountain activity

138
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng minor Strombolian activity ang Bulkang Mayon madaling araw ng Linggo, Abril 5.

Sa time-lapse footage ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang aktibidad ng 12:32 a.m. at 12:39 a.m.

Ang Strombolian activity ay isang uri ng volcanic eruption kung saan naglalabas ang bulkan ng lava, gas, at maliliit na tipak ng bato sa maikli at explosive spurts.

Sa halip na isang malaki at tuloy-tuloy na pagsabog, ang Strombolian activity ay binubuo ng regular “puffs” o mga pagputok mula sa bulkan dahilan para makita ang glowing lava at gumawa ng maliit na lava fountain.

Patuloy sa paggawa ng incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDCs) o “uson,” at rockfalls ang Bulkang Mayon.

Kasalukuyan namang nakataas ang Alert Level 3 na babala sa Bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here