MANILA, Philippines – Nagbuga ang Bulkang Taal ng 5,128 tonelada ng sulfur dioxide nitong Martes, Agosto 20 kasabay ng pagkakamonitor ng vog o volcanic smog sa naturang bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagbuga ng Bulkang Taal ay umabot ng 2,100 metro ang taas at dinala ng hangin sa direksyong northwest at north-northwest.
Wala namang naitalang volcanic earthquake sa Taal.
Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan. RNT/JGC