Home HOME BANNER STORY Bulkang Taal nagkaroon ng minor eruption!HOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Bulkang Taal nagkaroon ng minor eruption!January 7, 2025 07:39 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nakapagtala ng minor phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal sa main crater nito, Lunes ng gabi, Enero 6.Ayon sa PHIVOLCS, ang pagsabog ay naitala 7:38 ng gabi na nakunan ng camera sa Lower Calauit Observation Station.Nagdulot ito ng 600 metrong taas ng plume na sinabayan ng tatlong minutong volcanic earthquake.Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal.Nauna nang sinabi ng ahensya na nakapagtala rin ito ng pagtaas sa real-time seismic energy measurement (RSAM) mula nitong Enero 4. RNT/JGC