Home HOME BANNER STORY Bulkang Taal nakapagtala ng phreatic explosion

Bulkang Taal nakapagtala ng phreatic explosion

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng dalawang magkasunod na steam-driven o phreatic explosion ang Bulkang Taal nitong umaga ng Sabado, Abril 20.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang unang pagsabog 8:50 hanggang 8:52 ng umaga, at ang ikalawang insidente naman ay mul alas-9:09 ng umaga hanggang 9:12 ng umaga.

Nagpaabiso naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa publiko na maging alerto sa banta ng Bulkang Taal.

Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa naturang bulkan. RNT/JGC